Kalayaan at Soberanya ng Pilipinas

Photo credits: Jay Dikalnan Nawal, Facebook.

Kalayaan at Soberanya ng Pilipinas

Pagtutol sa Panghihimasok ng Banyaga

Ang International Criminal Court (ICC) ay naglabas ng isang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang kampanya laban sa ilegal na droga, na tinatawag na “War on Drugs.” Ayon sa ICC, ang mga aksyon at patakaran ni Duterte ay nagdulot ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, lalo na sa mga extrajudicial killings at iba pang uri ng brutalidad laban sa mga hinihinalang drug offenders.

Ang ICC ay isang internasyonal na korte na may layuning mag-imbestiga at magparusa sa mga seryosong krimen tulad ng genocide, war crimes, at crimes against humanity. Sa kaso ni Duterte, sinasabi ng ICC na may sapat na ebidensya upang magsimula ng imbestigasyon sa mga alegasyong ito, partikular sa mga extrajudicial killings na nangyari sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ngunit, hahayaan ba nating mga Pilipino na paki-alamanan ng isang foreign na korte ang napakalaking kalokohan na ito?

Nakita natin kung gaano naging matagumpay ang programa ni Pangulong Duterte sa paglaban sa droga at ang epekto nito sa ating bansa. Ngayon, isang banyagang organisasyon ang nagdidikta sa ating bayan at tila nilalapastangan ang ating soberanya (sovereignty). Dapat bang ipasa natin ang ating katarungan sa mga banyaga? Ang dapat arestuhin ay ang mga opisyales ng gobyerno na nagsulong nito sa ICC at ang mga Pilipinong nagpapatupad ng banyagang utos na ito; dahil maliwanag pa sa sikat ng araw, na ito ay pagtataksil sa bayan!

Ang sitwasyong ito ay lalo lang magpapahirap sa mahirap na ngang kalagayan at ekonomya ng Pilipinas. Ang isang lider na nag ayos, nagpabago at nagpa-unlad sa ating bansa laban sa malulupit na problema sa droga, krimen at korupsyon ay dapat pinasasalamatan at hindi inuusig at kinukulong. Ang mga gumagamit ng droga; lalo na ang mga naka-upong opisyal ng gobyerno ang dapat ikulong! Ang isyung ito ay nagsasalamin ng ating tungkuling mapanatili ang ating kalayaan at karapatan bilang isang bansa.

Dapat tayong magka-isa at magtulungan upang protektahan ang ating soberanya at tiyakin na ang mga solusyon sa ating mga problema ay manggagaling mula sa atin, hindi mula sa mga banyaga.

Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil and Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Major General Nicolas Torre III with Interpol representatives waiting at NAIA for the arrival of former President Rodrigo Duterte. Photo credits: Jay Dikalnan Nawal, Facebook.

Isa na namang patunay na ang mga opisyal ng gobyernong ito ay walang paki-alam kung ano ang makabubuti sa Pilipinas.Hindi kung paano tayo uunlad at maiahon sa kahirapan ang mga kababayang Pilipino kundi’y politika, kapangyarian at pagkamkam sa kaban ng bayan ang tilang nakakubling dahilan ng mga taong nasa likod nito.